At ito ay nangyari na, na kami ay humayo sa lupain ng Cumorah, [i]1968[/i] at itinayo namin ang aming mga tolda sa paligid ng burol ng Cumorah; [i]3567[/i] at iyon ay sa isang lupain ng maraming tubig, mga ilog, at bukal; at dito kami ay umasang magkakaroon ng kalamangan sa mga Lamanita. At nang ang tatlong daan at walumpu at apat na taon ay makalipas, natipon naming lahat ang nalabi sa aming mga tao sa lupain ng Cumorah.