At sa ikatatlong daan at limampung taon kami ay nakipagkasunduan sa mga Lamanita at sa mga tulisan ni Gadianton, [i]3554[/i] kung saan ay hinati-hati namin ang mga lupaing aming mana. At ibinigay sa amin ng mga Lamanita ang lupaing pahilaga, oo, maging hanggang sa makitid na daan patungo sa lupaing patimog. At ibinigay namin sa mga Lamanita ang lahat ng lupaing patimog.