At ngayon, masdan, ito ay nangyari na, na ang mga tao ni Nephi ay naging makapangyarihan, at napakabilis na dumami, at naging labis na kaakit-akit at mga kaaya-ayang tao.
At sila ay nag-asawa, at ibinigay sa pag-aasawa, [i]3044[/i] at pinagpala alinsunod sa maraming pangakong ginawa ng Panginoon sa kanila.
At hindi na sila lumakad pa sa pagsunod sa mga pagganap at ordenansa ng mga batas ni Moises; kundi sila ay lumakad alinsunod sa mga kautusang natanggap nila mula sa kanilang Panginoon at kanilang Diyos, nagpapatuloy sa pag-aayuno at panalangin, at sa madalas na pagtitipong magkakasama kapwa upang manalangin at makinig sa salita ng Panginoon. [i]2067[/i] [i]3043[/i]