At sa gayon lumipas ang ikatatlumpu at walong taon, at gayon din ang ikatatlumpu at siyam, at ikaapatnapu at isa, at ikaapatnapu at dalawa, oo, maging hanggang sa ang ikaapatnapu at siyam na taon ay lumipas, at gayon din ang ikalimampu at isa, at ang ikalimampu at dalawa; oo, at maging hanggang sa ang ikalimampu at siyam na taon ay lumipas.
At lubos silang pinaunlad ng Panginoon sa lupain; oo, hanggang sa muli silang nakapagtayo ng mga lunsod kung saan may mga lunsod na nasunog. [i]3042[/i] Oo, maging ang dakilang lunsod ng Zarahemla ay pinapangyari nilang maitayong muli. [i]1943[/i] [i]3456[/i] Ngunit maraming lunsod ang lumubog, at mga tubig ang pumalit sa mga lugar niyon; kaya nga, ang mga lunsod na ito ay hindi na mapapanumbalik.