At itong mga tulisan ni Gadianton na nasa mga Lamanita, ay namugad sa lupain, kung kaya nga’t ang mga nananahanan doon ay nagsimulang itago sa lupa ang kanilang mga kayamanan; at yaon ay naging madulas, dahil ang lupain ay isinumpa ng Panginoon, na hindi na nila mahawakan ang mga yaon, ni hindi na mapanatiling muli ang mga yaon. At ito ay nangyari na, na nagkaroon ng mga manggagaway, at pangungulam, at salamangka; at ang kapangyarihan ng yaong masama ay nakapangyari sa ibabaw ng buong lupain, [i]3537[/i] maging tungo sa katuparan ng lahat ng salita ni Abinadi, at gayon din ni Samuel, ang Lamanita.