Mormon 1:15–17

At ako, na labinlimang taong gulang at kahit paano ay may kahinahunan ng pag-iisip, anupa’t ako ay dinalaw ng Panginoon, [i]1956[/i] [i]3535[/i] [i]3056[/i] at nakatikim at nakaalam ng kabutihan ni Jesus.

At ako ay nagsikap na mangaral sa mga taong ito, ngunit ang aking bibig ay itinikom, at ako ay pinagbawalang mangaral sa kanila; [i]1957[/i] sapagkat masdan, sila ay hayagang naghimagsik laban sa kanilang Diyos; at ang mga minamahal na disipulo ay inialis sa lupain, dahil sa kanilang kasamaan. Ngunit ako ay namalagi sa kanila, [i]3536[/i] ngunit ako ay pinagbawalang mangaral sa kanila, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso; at dahil sa katigasan ng kanilang mga puso ang lupain ay isinumpa dahil sa kanila.

From section: Kabataan ni Mormon

From page: Ang Pag-unti at Pagbagsak ng Mga Nephita

Commentary