Mormon 2:25–26

At ito ay nangyari na, na kami ay nakipaglaban sa isang hukbo ng tatlumpung libo laban sa isang hukbo ng limampung libo. At ito ay nangyari na, na kami ay tumindig sa kanilang harapan nang buong katatagan kung kaya’t nagsitakas sila mula sa aming harapan. [i]3551[/i] At ito ay nangyari na, nang sila ay magsitakas tinugis namin sila ng aming mga hukbo, at muli silang hinarap, at nagapi sila; [i]3552[/i] gayon pa man ang lakas ng Panginoon ay wala sa amin; [i]1960[/i] oo, kami ay naiwan sa aming sarili, na ang Espiritu ng Panginoon ay hindi nanatili sa amin; anupa’t naging mahihina kami na katulad ng aming mga kapatid.

From section: Ang Karampatang Gulang ni Mormon

From page: Ang Pag-unti at Pagbagsak ng Mga Nephita

Commentary