Mormon 2:17–19

At masdan, ako ay humayo alinsunod sa salita ni Amaron, [i]3060[/i] at kinuha ang mga lamina ni Nephi, at gumawa ng isang talaan alinsunod sa mga salita ni Amaron. At sa mga lamina ni Nephi, ako ay gumawa ng buong ulat tungkol sa lahat ng kasamaan at karumal-dumal na gawain; [i]3548[/i] subalit sa mga laminang ito ay nagpigil akong gumawa ng buong ulat ng kanilang kasamaan at mga karumal-dumal na gawain, sapagkat masdan, isang patuloy na tagpo ng kasamaan at mga karumal-dumal na gawain ang nakatambad sa harapan ng aking mga mata simula pa noong magkaroon ako ng sapat na pang-unawa upang mamasdan ang mga gawi ng tao. At sa aba sa akin dahil sa kanilang kasamaan; sapagkat ang aking puso ay napuspos ng kalungkutan dahil sa kanilang kasamaan, sa lahat ng araw ko; gayon pa man, nalalaman kong ako’y dadakilain sa huling araw.

From section: Ang Karampatang Gulang ni Mormon

From page: Ang Pag-unti at Pagbagsak ng Mga Nephita

Commentary