At ito ay nangyari na, na sila na mga tumanggi sa ebanghelyo [i]3050[/i] ay tinawag na mga Lamanita, at Lemuelita, at Ismaelita; at sila ay hindi nanghina sa kawalang-paniniwala, kundi sila ay hayagang naghimagsik laban sa ebanghelyo ni Cristo; at itinuro nila sa kanilang mga anak na huwag silang maniwala, maging katulad ng kanilang mga ama, mula sa simula, ay mga nanghina.
At ito ay dahil sa kasamaan at karumal-dumal na gawain ng kanilang mga ama, maging katulad sa simula. At sila ay tinuruang mapoot sa mga anak ng Diyos, maging katulad ng itinuro sa mga Lamanita na mapoot sa mga anak ni Nephi mula sa simula.