Mormon 3:5–6

At ito ay nangyari na, na pinapangyari kong sama-samang tipunin ng aking mga tao ang kanilang sarili sa lupaing Kapanglawan, sa lunsod na nasa mga hangganan, sa may makitid na daan patungo sa lupaing patimog. At doon ay inilagay namin ang aming mga hukbo, upang mapigilan namin ang mga hukbo ng mga Lamanita, upang hindi nila maangkin ang alinman sa aming mga lupain; anupa’t nagpatibay kami laban sa kanila nang aming buong lakas.

From section: Ang Dalawang Pagsalakay ng mga Lamanita sa Lupaing Kapanglawan

From page: Ang Pag-unti at Pagbagsak ng Mga Nephita

Commentary