At nang sila ay makapanumpa ng lahat ng ipinagbabawal sa kanila ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, na sila ay aahon upang makidigma sa kanilang mga kaaway, at ipaghihiganti ang kanilang sarili sa dugo ng kanilang mga kapatid, masdan ang tinig ng Panginoon ay nangusap sa akin, sinasabing:
Sa akin ang paghihiganti, at ako ang gaganti;
_at sapagkat hindi nagsisi ang mga taong ito
_matapos ko silang iligtas, masdan,
_sila’y malilipol mula sa balat ng lupa.