At ngayon, dito sa ikadalawang daan at isang taon ay nagsimulang magkaroon sa kanila ng mga yaong iniangat sa kapalaluan, tulad ng pagsusuot ng mamahaling kasuotan, [i]3047[/i] at lahat ng uri ng maiinam na perlas, at ng maiinam na bagay ng daigdig. [i]3458[/i] At mula sa panahong yaon, ang kanilang mga ari-arian at kanilang mga kabuhayan ay hindi na naging pangkalahatan sa kanila. At sila ay nagsimulang mahati sa mga uri; at sila ay nagsimulang magtayo ng mga simbahan para sa kanilang sarili upang makinabang, at nagsimulang itatwa ang tunay na simbahan ni Cristo.