Mormon 6:12–15

At namasdan din namin ang sampung libong tao ko na pinamunuan ng aking anak na si Moroni. At masdan, ang sampung libo ni Gidgidonas ay bumagsak, at siya rin na nasa gitna.

At si Lemas ay bumagsak kasama ang kanyang sampung libo;

At si Gilgal ay bumagsak kasama ang kanyang sampung libo;

At si Limhas ay bumagsak kasama ang kanyang sampung libo;

At si Jeneum ay bumagsak kasama ang kanyang sampung libo;

At si Cumenihas, at si Moronihas, at si Antionum,
_at si Siblom, at si Sem, at si Jos,
_ay nangabagsak kasama ang kanilang tig-sasampung libo.

At ito ay nangyari na, na mayroon pang sampung bumagsak sa pamamagitan ng espada, kasama ang kanilang tig-sasampung libo;

Oo, maging ang lahat ng aking mga tao, maliban doon sa dalawampu at apat na kasama ko, at gayon din ang ilang tumakas patungo sa mga bayan sa timog, at ang ilang umanib sa mga Lamanita, ay nangabagsak; at ang kanilang mga laman, at buto, at dugo ay nakakalat sa balat ng lupa, na naiwan ng mga kamay ng mga yaong pumatay sa kanila upang mabulok sa ibabaw ng lupa, at maagnas at bumalik sa kanilang inang lupa. [i]1971[/i]

From section: Huling Labanan sa Cumorah

From page: Ang Pag-unti at Pagbagsak ng Mga Nephita

Commentary