At ngayon, dahil sa malaking bagay na ito na nagawa ng aking mga tao, ang mga Nephita, sila ay nagsimulang magmalaki sa kanilang sariling lakas, [i]1965[/i] at nagsimulang manumpa sa harapan ng kalangitan na ipaghihiganti nila ang kanilang sarili sa dugo ng kanilang mga kapatid na napatay ng kanilang mga kaaway. At sila ay nanumpa sa kalangitan, at gayon din sa trono ng Diyos, na sila ay aahon sa pakikidigma laban sa kanilang mga kaaway, at lilipulin sila mula sa ibabaw ng lupain.