AT ngayon ako, si Mormon, na nahahanda nang ibigay ang talaang aking ginagawa sa mga kamay ng aking anak na lalaking si Moroni, masdan, aking nasaksihan ang halos buong pagkalipol ng aking mga tao, ang mga Nephita.
At maraming daang taon na ang nakalipas matapos ang pagparito ni Cristo nang ibigay ko ang mga talaang ito sa mga kamay ng aking anak; at inaakala kong masasaksihan niya ang ganap na pagkalipol ng aking mga tao. Subalit ipagkaloob nawa ng Diyos na makaligtas siya sa kanila, upang makasulat siya kahit paano ng hinggil sa kanila, at kahit paano hinggil kay Cristo, na baka sakali isang araw ay mapakinabangan nila.
At ngayon ito ay nangyari na, na matapos ang malaki at katakut-takot na digmaan sa Cumorah, masdan, ang mga Nephita na tumakas sa bayang patimog ay tinugis ng mga Lamanita, hanggang sa silang lahat ay malipol.
At ang aking ama ay napatay rin nila, at ako lamang ang nalabing mag-isa upang isulat ang malungkot na kasaysayan ng pagkalipol ng aking mga tao. Ngunit masdan, sila ay wala na, at tinutupad ko ang kautusan ng aking ama. At kung ako ay mapapatay nila, hindi ko alam.
Masdan, ginawa ng aking ama ang talaang ito, at kanyang isinulat ang layunin niyon. At masdan, isusulat ko rin ito kung mayroon pang puwang sa mga lamina, ngunit wala na; at inang mina ako ay wala sapagkat ako ay nag-iisa. Ang aking ama ay napatay sa digmaan, at lahat ng aking kamag-anak, at wala akong kaibigan ni patutunguhan, at kung gaano katagal ako pahihintulutang mabuhay ng Panginoon ay hindi ko alam.
Masdan, apat na raang taon na ang lumipas mula noong pumarito ang ating Panginoon at Tagapagligtas. At masdan, tinugis ng mga Lamanita ang aking mga tao, ang mga Nephita, nang lunsod sa lunsod at lugar sa lugar, maging hanggang sa sila ay mawala na; at malakas ang kanilang naging pagbagsak; oo, malaki at kagila-gilalas ang pagkalipol ng aking mga tao, ang mga Nephita.
At masdan, ang kamay ng Panginoon ang gumawa nito. At masdan din, ang mga Lamanita ay nakikipagdigmaan sa isa’t isa; at ang ibabaw ng buong lupaing ito ay isang patuloy na pag-inog ng pagpatay at pagdanak ng dugo; at walang isa man ang nakaaalam sa pagwawakas ng digmaan.
At ngayon, masdan, wala na akong sasabihin pa hinggil sa kanila, sapagkat wala na maliban sa mga Lamanita at tulisan ang nabubuhay sa ibabaw ng lupain.
At walang sinumang nakakikilala sa tunay na Diyos maliban sa mga disipulo ni Jesus, na nagpaiwan sa lupain hanggang sa ang kasamaan ng mga tao ay naging napakalubha kung kaya’t ang Panginoon ay hindi sila pinahintulutang manatili kasama ng mga tao; at kung sila man ay nasa ibabaw ng lupain ay walang taong nakaaalam. Ngunit masdan, ang aking ama at ako ay nakita sila, at sila ay naglingkod sa amin.
At aking tatatakan ang talaang ito, matapos na ako ay makapagsalita ng ilang pangungusap sa paraan ng pagpapayo sa inyo.
At inutusan niya ako na tatakan ko ito; at iniutos din niyang tatakan ko ang mga pansalin nito; kaya nga tinatakan ko ang mga pansalin, alinsunod sa kautusan ng Panginoon.
...Mahigpit na isinara ng kamay ni Moroni, at ikinubli ayon sa Panginoon, upang lumabas sa takdang panahon sa pamamagitan ng mga Gentil...
Kaya nga, ako ay magsusulat at itatago ang mga talaan sa lupa; at kung saan ako paroroon ay hindi na mahalaga.
At ako rin ang siyang nagtago ng talaang ito ayon sa Panginoon; ang mga laminang yaon ay walang halaga, dahil sa kautusan ng Panginoon. Sapagkat tunay na kanyang sinabi na walang sinumang makakukuha nito upang makinabang; ngunit ang nakatala roon ay malaki ang kahalagahan; at sinuman ang magdadala nito sa liwanag, siya ay pagpapalain ng Panginoon.