At ngayon, masdan, wala na akong sasabihin pa hinggil sa kanila, sapagkat wala na maliban sa mga Lamanita at tulisan ang nabubuhay sa ibabaw ng lupain. [i]3577[/i]
At walang sinumang nakakikilala sa tunay na Diyos maliban sa mga disipulo ni Jesus, na nagpaiwan sa lupain hanggang sa ang kasamaan ng mga tao ay naging napakalubha kung kaya’t ang Panginoon ay hindi sila pinahintulutang manatili kasama ng mga tao; at kung sila man ay nasa ibabaw ng lupain ay walang taong nakaaalam. Ngunit masdan, ang aking ama at ako ay nakita sila, at sila ay naglingkod sa amin. [i]3579[/i]