At sinabi ko sa kanya:
Sino ako upang aking tuksuhin ang Diyos na magpakita sa iyo ng isang palatandaan sa isang bagay na nalalaman mong totoo? Subalit iyong itatatwa ito, dahil sa ikaw ay sa diyablo.
Gayon pa man, hindi ang aking kalooban ang masusunod, subalit kung parurusahan ka ng Diyos, yaon ang magiging palatandaan sa iyo na mayroon siyang kapangyarihan, kapwa sa langit at sa lupa; at gayon din, na darating si Cristo. At inyong kalooban, O Panginoon, ang siyang masusunod, at hindi sa akin.