At sinabi ko sa kanya: [i]1358[/i]
Sino ako upang aking tuksuhin ang Diyos na magpakita sa iyo ng isang palatandaan sa isang bagay na nalalaman mong totoo? [i]2347[/i] Subalit iyong itatatwa ito, dahil sa ikaw ay sa diyablo.
Gayon pa man, hindi ang aking kalooban ang masusunod, subalit kung parurusahan ka ng Diyos, [i]1359[/i] yaon ang magiging palatandaan sa iyo na mayroon siyang kapangyarihan, kapwa sa langit at sa lupa; at gayon din, na darating si Cristo. At inyong kalooban, O Panginoon, ang siyang masusunod, at hindi sa akin.