Ngayon, sinabi ni Amulek:
O ikaw na anak ng impiyerno, bakit mo ako tinutukso?
Nalalaman mo ba na ang mabubuti
ay hindi nagpapadaig sa mga ganyang tukso?
Naniniwala ka ba na walang Diyos?
Sinasabi ko sa iyo, Hindi,
nalalaman mo na may Diyos,
ngunit iyong minamahal yaong kayamanan nang higit kaysa sa kanya.
At ngayon, ikaw ay nagsinungaling sa akin sa harapan ng Diyos.Sinabi mo sa akin:
‘Masdan, ito ang anim na onti,
na malaki ang halaga,
ibibigay ko sa iyo’Gayong ang nasa iyong puso
ay ipagkait iyon sa akin;
at ang tanging layunin mo ay ikaila ko ang totoo at buhay na Diyos,
upang ikaw ay magkaroon ng dahilan na ako ay wasakin.
At ngayon masdan, dahil sa malaking kasamaang ito
ay tatanggapin mo ang iyong gantimpala.