Alma 11:23–25

Ngayon, sinabi ni Amulek: [i]1603[/i]

O ikaw na anak ng impiyerno, bakit mo ako tinutukso? [i]2558[/i]
_Nalalaman mo ba na ang mabubuti
_ay hindi nagpapadaig sa mga ganyang tukso?
_Naniniwala ka ba na walang Diyos?
_Sinasabi ko sa iyo, Hindi,
_nalalaman mo na may Diyos,
_ngunit iyong minamahal yaong kayamanan nang higit kaysa sa kanya.
_At ngayon, ikaw ay nagsinungaling sa akin sa harapan ng Diyos.

Sinabi mo sa akin:

‘Masdan, ito ang anim na onti,
_na malaki ang halaga,
_ibibigay ko sa iyo’

Gayong ang nasa iyong puso
_ay ipagkait iyon sa akin;
_at ang tanging layunin mo ay ikaila ko ang totoo at buhay na Diyos,
_upang ikaw ay magkaroon ng dahilan na ako ay wasakin.
_At ngayon masdan, dahil sa malaking kasamaang ito
_ay tatanggapin mo ang iyong gantimpala.

From section: Palitan sa Pagitan ni Amulek at Zesrom

From page: Ang Ministeryo ni Alma sa Ammonihah

Commentary