Sapagkat naglakbay akong kasama ang mga anak na lalaki ni Mosias, naghahangad na wasakin ang simbahan ng Diyos; subalit masdan, isinugo ng Diyos ang kanyang banal na anghel upang pigilin kami sa daraanan. At masdan, siya ay nangusap sa amin, tulad ng tinig ng kulog, at ang buong lupa ay nayanig sa ilalim ng aming mga paa; at kaming lahat ay nalugmok sa lupa, sapagkat ang takot sa Panginoon ay nanaig sa amin. Subalit masdan, sinabi ng tinig sa akin:
Bumangon.
At bumangon ako at tumayo, at namasdan ang anghel. At sinabi niya sa akin:
Kung ikaw sa iyong sarili ay mamamatay,
huwag nang hangarin pang wasakin ang simbahan ng Diyos.