Alma 36:6–9

Sapagkat naglakbay akong kasama ang mga anak na lalaki ni Mosias, naghahangad na wasakin ang simbahan ng Diyos; subalit masdan, isinugo ng Diyos ang kanyang banal na anghel upang pigilin kami sa daraanan. [i]1660[/i] At masdan, siya ay nangusap sa amin, tulad ng tinig ng kulog, at ang buong lupa ay nayanig sa ilalim ng aming mga paa; at kaming lahat ay nalugmok sa lupa, sapagkat ang takot sa Panginoon ay nanaig sa amin. Subalit masdan, sinabi ng tinig sa akin:

Bumangon.

At bumangon ako at tumayo, at namasdan ang anghel. At sinabi niya sa akin:

Kung ikaw sa iyong sarili ay mamamatay,
_huwag nang hangarin pang wasakin ang simbahan ng Diyos.

From section: Ang Istorya ng Pagbabalik-loob ni Alma

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Helaman

Commentary