Alma 36:3–5

At ngayon, O anak kong Helaman, masdan, ikaw ay nasa iyong kabataan, at kaya nga, nagsusumamo ako sa iyo na pakinggan mo ang aking mga salita at matuto sa akin; sapagkat nalalaman ko na sino man ang magbibigay ng kanyang tiwala sa Diyos ay tutulungan sa kanilang mga pagsubok, at kanilang mga suliranin, at kanilang mga paghihirap, at dadakilain sa huling araw. At hindi ko nais na isipin mong nalalaman ko ito para sa aking sarili—hindi sa temporal kundi sa espirituwal, hindi sa makamundong kaisipan kundi sa Diyos. Ngayon, masdan, sinasabi ko sa iyo, kung hindi ako isinilang sa Diyos ay hindi ko sana nalaman ang mga bagay na ito; subalit ipinahintulot ng Diyos, sa pamamagitan ng bibig ng kanyang banal na anghel, na ipaalam ang mga bagay na ito sa akin, hindi dahil sa karapat-dapat ang aking sarili.

From section: Ang Istorya ng Pagbabalik-loob ni Alma

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Helaman

Commentary