Anak kong lalaki, pakinggan ang aking mga salita; sapagkat ipinangangako ko sa iyo, na habang sinusunod mo ang mga kautusan ng Diyos ikaw ay uunlad sa lupain. Nais kong gawin mo ang tulad ng ginawa ko, sa pag-alaala sa pagkabihag ng ating mga ama; sapagkat sila ay nasa pagkaalipin, at walang sinumang makapagpapalaya sa kanila maliban sa Diyos ni Abraham, at sa Diyos ni Isaac, at sa Diyos ni Jacob; at tunay na kanyang hinango sila sa kanilang mga paghihirap.