Alma 36:10–12

At ito ay nangyari na, na ako ay nalugmok sa lupa; at ito ay sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi na hindi ko naibuka ang aking bibig, ni ang nagamit ko ang aking mga paa.

At ang anghel ay nangusap pa ng maraming bagay sa akin, na narinig ng aking mga kapatid, subalit hindi ko narinig ang mga ito; sapagkat nang marinig ko ang mga salitang—Kung ikaw sa iyong sarili ay mamamatay, huwag nang hangarin pang wasakin ang simbahan ng Diyos—ako ay nakadama ng malaking takot at panggigilalas na baka ako’y mamatay, kung kaya’t ako ay nalugmok sa lupa at wala na akong narinig pa. Subalit ako ay giniyagis ng walang hanggang pagdurusa, sapagkat ang kaluluwa ko’y sinaktan sa pinakamasidhing sakit at giniyagis ng lahat ng aking kasalanan.

From section: Ang Istorya ng Pagbabalik-loob ni Alma

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Helaman

Commentary