Alma 36:13–16

Oo, naalaala ko ang lahat ng aking kasalanan at mga kasamaan, kung saan ako’y pinarusahan ng mga pasakit ng impiyerno; oo, nakita ko na ako’y naghimagsik laban sa aking Diyos, at na hindi ko sinunod ang kanyang mga banal na kautusan. Oo, at pinaslang ko ang marami sa kanyang mga anak, o sa madaling salita, inakay silang palayo tungo sa pagkawasak; oo, at sa lalong maliwanag naging labis ang aking kasamaan, na ang isipin lamang na magtungo sa kinaroroonan ng aking Diyos ay giniyagis ang aking kaluluwa ng hindi maipaliwanag na masidhing takot.

O, naisip ko, kung maaari lamang na ako ay itakwil at mawasak kapwa kaluluwa at katawan, upang hindi ako madalang tumayo sa harapan ng aking Diyos, upang hatulan sa aking mga gawa. At ngayon, sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi ako ay giniyagis, maging ng mga pasakit ng isang isinumpang kaluluwa. [i]1661[/i]

From section: Ang Istorya ng Pagbabalik-loob ni Alma

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Helaman

Commentary