Alma 36:17–18

At ito ay nangyari na, na habang ako’y nasa gayong paggiyagis ng pagdurusa, samantalang ako’y sinasaktan ng alaala ng marami kong kasalanan, masdan, naalaala ko ring narinig ang aking ama na nagpropesiya sa mga tao hinggil sa pagparito ng isang Jesucristo, isang Anak ng Diyos, na magbabayad-sala para sa mga kasalanan ng sanlibutan. Ngayon, nang maapuhap ng aking isipan ang kaisipang ito, nagsumamo ako sa aking puso:

O Jesus, ikaw na Anak ng Diyos,
_kaawaan ako,
_na nasa kasukdulan ng kapaitan,
_at napalilibutan
_ng walang hanggang tanikala ng kamatayan.

From section: Ang Istorya ng Pagbabalik-loob ni Alma

From page: Ang Mga Salita ni Alma sa Kanyang Anak na si Helaman

Commentary