At ngayon ito ay nangyari na, nang matanggap ni Moroni ang liham, na ito ay nagpalakas ng kanyang loob, at napuspos ng labis na kagalakan dahil sa katapatan ni Pahoran, na hindi rin siya nagtaksil sa kalayaan at layunin ng kanyang bayan. Subalit labis din siyang nagdalamhati dahil sa kasamaan ng mga yaong nagtaboy kay Pahoran mula sa hukumang-luklukan, oo, sa madaling salita, dahil sa mga yaong naghimagsik laban sa kanilang bayan at gayon din sa kanilang Diyos.