Alma 62:1–2

At ngayon ito ay nangyari na, nang matanggap ni Moroni ang liham, na ito ay nagpalakas ng kanyang loob, at napuspos ng labis na kagalakan dahil sa katapatan ni Pahoran, [i]1735[/i] na hindi rin siya nagtaksil sa kalayaan at layunin ng kanyang bayan. Subalit labis din siyang nagdalamhati dahil sa kasamaan ng mga yaong nagtaboy kay Pahoran mula sa hukumang-luklukan, oo, sa madaling salita, dahil sa mga yaong naghimagsik laban sa kanilang bayan at gayon din sa kanilang Diyos.

From section: Si Pahoran at Moroni

From page: Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan

Commentary