At ito ay nangyari na, na si Moroni ay nagsama ng maliit na bilang ng mga tauhan, alinsunod sa kahilingan ni Pahoran, at ibinigay kina Lehi at Tiankum ang kapangyarihan sa nalalabi sa kanyang hukbo, at siya ay humayo patungo sa lupain ng Gedeon. At itinaas niya ang bandila ng kalayaan sa bawat lugar na kanyang pinasok, at nangalap ng ilan mang hukbo na makakaya niya sa lahat ng nilakbayan niya patungo sa lupain ng Gedeon. [i]3280[/i]
At ito ay nangyari na, na libu-libo ang nagtipon sa kanyang bandila, at humawak ng kanilang espada sa pagtatanggol ng kanilang kalayaan, upang hindi sila madala sa pagkaalipin. At sa gayon, nang makapangalap si Moroni ng ilan mang tauhan na nakaya niya sa kanyang buong paglalakbay, siya ay nagtungo sa lupain ng Gedeon; at sa pagsanib ng kanyang mga hukbo sa mga yaong kay Pahoran sila ay naging napakalakas, maging sa mas malakas pa sila sa mga tauhan ni Pacos, na siyang hari ng mga yaong tumiwalag na nagtaboy sa mga freemen palabas ng lupain ng Zarahemla at sumakop sa lupain. [i]1736[/i]