At ito ay nangyari na, na sina Moroni at Pahoran, matapos mag-iwan ng malaking pangkat ng mga tauhan sa lupain ng Zarahemla, ay naglakbay kasama ang malaking pangkat ng mga tauhan patungo sa lupain ng Nefihas, na nagtikang paaalisin ang mga Lamanita sa lunsod na yaon. At ito ay nangyari na, na habang sila ay naglalakbay patungo sa lupain, sila ay nakadakip ng malaking pangkat ng mga tauhan ng mga Lamanita, at pinatay ang marami sa kanila, at kinuha ang kanilang mga pagkain at kanilang mga sandata ng digmaan.
At ito ay nangyari na, matapos nilang dakpin sila, kanilang pinapasok sila sa isang tipan na hindi na muli silang hahawak pa ng kanilang mga sandata ng digmaan laban sa mga Nephita. [i]3282[/i] At nang sila ay makipagtipan ay kanilang ipinadala sila na manirahang kasama ang mga tao ni Ammon, [i]3283[/i] at sila’y may bilang na mga apat na libo na mga hindi napatay.