Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan
- Alma 52:15–16
- Si Moroni ay nagmartsa papuntang silangan upang tulungan si Tiyankum, na siyang nakatalaga sa pagsisimula ng pagsalakay sa nabihag na lunsod ng Mulek.
- Alma 52:17–18
- Natukoy ni Tiankum na ang pagsalakay sa Mulek ay hindi maaaring maisakatuparan at nagpasyang maghintay para kay Moroni, na dumating din kaagad.
- Alma 52:19–20
- Si Moroni at Tiankum ay sinubukang maging diplomatiko tungkol sa kanilang mga pagsisikap, kaya sila ay humiling sa nakatalagang kumandante ng Mulek, si Jacob, na lumabas upang harapin sila sa gitnang kapatagan, subali si Jacob ay tumanggi.
- Alma 52:21–22
- Ayon sa plano, si Tiancum ay dadalhin ang kanyang mga tauhan at magmamartsa sila papuntang dalampasigan, at si Moroni naman ay magmamartsa kasama ng kanyang mga tauhan sa ilang; ang mga tiktik ni Jacob ay napansin ang hukbo ni Tiancum, at nagbigay ulat sa kanilang mga nakita.
- Alma 52:23
- Ang mga Lamanita ay nagsimulang sundan si Tiancum, na tumakbo papuntang dalampasigan, sa dakong hilagaan.
- Alma 52:24–26
- Habang ang mga Lamanita ay tinutugis si Tiankum, si Moroni at ang kanyang mga tauhan ay nagsilabas mula sa ilang at sinakop ang Mulek, pinapatay ang yaong mga kakaunting kawal na iniwan upang magbantay.
- Alma 52:27
- Si Tiancum, na tinutugis parin ng mga Lamanita, ay nagpatuloy patungo sa Masagana kung saan ang hukbo ni Lehi ay naghihintay.
- Alma 52:28–29
- Ang mga Lamanita, natatakot na si Lehi ay makaabot sa Mulek, at hindi nalalaman na si Moroni ay namamalagi na roon, ay umurong at nagmadaling bumalik patungo sa Mulek.
- Alma 52:30–32
- Tinugis ni Lehi ang mga Lamanita hanggang sa sila ay makaabot sa Mulek, kung saan ang hukbo ni Moroni ay naghihintay; inutusan ni Moroni ang mga hukbo na salakayin ang mga Lamanita hanggang sa sila ay sumuko.
- Alma 52:33–34
- Si Jacob, nagtitika na makuhang muli ang Mulek, ay lumaban ng masidhi, subalit ang mga hukbo ng Nephita ay hindi natinag.
- Alma 52:35–36
- Sa isang masidhing labanan na yaon, si Jacob ay napatay at si Moroni ay sugatan, subalit ang mga Lamanita sa bandang huli ay sumuko.
- Alma 52:37–38
- Sinabi ni Moroni sa mga Lamanita na palalayain niya sila kung kanilang isusuko ang kanilang mga sandata.
- Alma 52:38–40
- Ang mga pinuno ng mga nakaligtas na mga Lamanita ay isinuko ang kanilang mga sandata, subalit yaong mga Lamanita na tumanggi ay ginapos at dinala bilang mga bihag sa Masagana.
- Alma 53:1
- Ang mga bihag ng digmaan ay kinuha upang ilibing ang mga katawan ng mga yaong namatay sa labanan.
- Alma 53:3–5
- Matapos mailibing ang lahat ng mga katawan, ang mga bilanggong Lamanita ay pinagawa upang magtayo ng mga malalaking muog na pumapalibot sa lunsod ng Masagana kasama ang malahiganteng tagaytay ng lupa at mga kahoy.
- Alma 53:2
- Si Moroni, na nagtitiwala kay Lehi, ay itinalaga si Lehi upang mamuno sa lunsod ng Mulek.
- Alma 53:6–7
- Nang masiguro ang kaligtasan ng Mulek at nasakop ang malaking bahagi ng puwersa ng mga Lamanita, si Moroni ay nagsimula na magsagawa ng mga karagdagang paghahanda para sa digmaan.
- Alma 54:1–2
- Sa sumunod na taon, si Amoron ay nagpasabi kay Moroni hinihiling na makipagpalitan ng mga bihag; si Moroni ay natuwang marinig ito, yamang naghahangad siya na tumigil sa paglalaan ng mga panustos sa mga bihag na Lamanita.
- Alma 54:3–4
- Ang mga Lamanita ay nakabihag ng mga kababaihan at mga maliliit na bata, samantalang ang mga Nephita ay nakapagbihag lamang ng mga sundalo; dahil dito si Moroni ay nagsagawa ng isang plano na mapadami ang bilang ng mga pinalayang Nephita.
- Alma 54:4–14
- Si Moroni ay sumulat ng isang liham kay Amoron na nagsasabi na ang mga Nephita ay aayon lamang sa isang palitan ng mga bihag kung ang isang Nephitang lalaki, isng Nephitang babae, at isang Nephitang bata ay ipagpapalit sa isang sundalong Lamanita.
- Alma 54:15–24
- Si Amoron ay tumugon kay Moroni, at sumang-ayon sa iminungkahing 3-sa-1 na palitan, subalit binalaan si Moroni sa paraang may panunuya na ihanda niya ang kanyang sarili sa isang walang hanggang labanan.
- Alma 55:1–3
- Galit sa tugon at pag-uugali ni Amoron, si Moroni ay tumanggi na magpatuloy sa pakikipagpalitan, sa kabila ng pagsang-ayon ni Amoron, at bumalik sa isang hindi inaasahang plano: ang kunin ang mga bihag pabalik sa pamamagitan ng puwersa.
- Alma 55:4–7
- Natagpuan ni Moroni ang isang lalaki na nagngangalang Laman, (isang Nephita na may dugong Lamanita), at ipinadala siya sa lunsod ng Gid (kung saan ang mga bilanggong Nephita ay nakakulong) kasama ang maliit na pangkat ng mga tao.
- Alma 55:8
- Si Laman ay lumapit sa sundalong nagbabantay sa Gid, at ipinakilala ang kanyang sarili bilang isang Lamanitang bihag na kakatakas lang mula sa mga Nephita; inihayag din niya na nagdala siya ng alak ng mga Nephita.
- Alma 55:9
- Nang makita ang mga alak, ang mga bantay na Lamanita ay sabik na humingi ng maiinom.
- Alma 55:10
- Iminungkahi ni Laman na huwag silang uminom ng alak hanggang sa matapos silang makipaglaban sa mga Nephita.
- Alma 55:10
- Nang marinig ito ay lalo lamang naghangad ang mga bantay na uminom.
- Alma 55:11
- Ang mga bantay ay ikinatwiran ang pangangailangan ng alak sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na lalo silang palalakasin ng mga ito.
- Alma 55:12
- Si Laman ay umayon.
- Alma 55:13–15
- Ang mga bantay na Lamanita ay uminom ng ilang alak, pagkatapos ay uminom pa ng marami; kalaunan, lahat ng mga bantay ay nalango at nangahimbing, na kung saan si Laman at ang kanyang mga tauhan ay bumalik kay Moroni upang mag-ulat.
- Alma 55:16–17
- Si Moroni at ang kanyang mga tauhan ay nagtungo sa Gid na may dalang maraming mga sandata; nang sila ay makarating, inihagis nila ang mga sandata sa lunsod para sa mga bilanggong Nephita upang gamitin.
- Alma 55:18–21
- Si Moroni ay walang hangaring patayin ang mga langong sundalo; siya at ang kanyang mga tauhan ay lumisan mula sa lunsod, at pinalibutan ang mga bantay na Lamanita.
- Alma 55:22–23
- Kinaumagahan, ang mga bantay ay nagising at nakita na ang hukbo ni Moroni ay nakapalibot sa lunsod, at sinandatahan ang mga bilanggo sa loob ng lunsod; sila ay sumuko na walang pagpupumiglas.
- Alma 55:24–25
- Ang mga bilanggong Nephita ay pinalaya, at ang mga Lamanita ay dinala bilang mga bilanggo at pinagawa ng mga muog sa lunsod ng Gid.
- Alma 55:26–27
- Nang matapos ng mga bilanggo ang pagpapatibay sa Gid, sila ay dinala sa Masagana kasama ang mga nalalabi sa mga bilanggo.
- Alma 55:28–29
- Habang ang mga Nephita ay nagsisimulang makakuha ng kalamangan, ang mga Lamanita ay sumubok na lumaban gamit ang mga taktikang ginamit ng mga Nephita sa kanila, tulad ng pagpapalibot sa lunsod sa gabi at ang pagtatangkang languin ang mga bantay.
- Alma 55:30–32
- Madaling nakuha ng mga Nephita ang plano ng mga Lamanita, at sila ay hindi uminom ng kahit ano mang alak na natatanggap nila mula sa mga Lamanita na hindi muna ipinaiinom sa ilang mga Lamanitang bilanggo ang mga ito kung may lason.
- Alma 55:33–35
- Si Moroni ay nagsimulang gumawa ng plano na salakayin ang lunsod ng Morianton, na siyang lubos na pinatibay ng mga Lamanita.
- Alma 56:1
- Si Moroni ay nakatanggap ng sulat mula kay Helaman, na kung saan ang mga labanan at mga pagsulong sa dayag silangan ay isinasalarawan.
- Alma 59:1–2
- Isinapubliko ni Moroni ang kalagayan ng mga gawain ni Helaman sa kanluran, ang mga tao ay masaya na marinig ang balita.
- Alma 59:3–4
- Si Moroni ay nagpadala ng liham kay Pahoran, na humihingi ng madaliang tulong na maipadala kay Helaman.
- Alma 59:5–8
- Ang mga Lamanita na pinaalis sa lupain ng Manti ng hukbo ni Helaman ay nagtungo sa lunsod ng Nefihas, at sinalakay ang mga tao roon.
- Alma 59:9–10
- Hinimpilan ni Moroni ng mga kawal ang mga lunsod ng Nephita, nalalaman na ang pagpapanatili sa lunsod ay mas madali kaysa sa bawiin ang lunsod.
- Alma 59:11–12
- Ang Nefihas ay nagapi sa pagsalakay ng mga Lamanita, at si Moroni ay nagsimulang magalinlangan sa mga Nephita, nalalaman na sila ay nagsisimulang maging masasama.
- Alma 59:13, 60:1–36
- Si Moroni, galit sa kawalan ng tugon ng pamahalaan, ay nagpadala ng isa pang liham kay Pahoran, pinagsasabihan siya sa kanyang malinaw na kapabayaan at nagsusumamo sa kanya na maging aktibo sa pagtataguyod ng sa layunin ng kalayaan.
- Alma 61:1–21
- Makalipas ang ilang sandali, si Moroni ay nakatanggap ng tugon kung saan si Pahoran ay nagpapaliwanag na isang rebolusyon ang nangyari sa Zarahemla, at ang awtoridad at kapangyarihan ni Pahoran ay isinawalang-bahala, at sa gayong dahilan siya ay hindi nagawang mag-abot ng tulong sa militar.
- Alma 62:1–2
- Si Moroni ay nalugod na malaman ang katapatan ni Pahoran, subalit nalulungkot na malaman ang paghihimagsik sa Zarahemla.
- Alma 62:3–6
- Inilagay ni Moroni sa pangangalaga ni Tiankum at Lehi ang kanyang hukbo, iwinagayway ang bandila ng kalayaan, at nagsimulang magtungo sa Gedeon upang tulungan si Pahoran na muling makuha ang kapangyarihan.
- Alma 62:14–17
- Si Moroni ay bumalik sa Zarahemla kasama si Pahoran at isang malaking pangkat ng mga sundalo; nakasalubong nila ang isang malaking pangkat ng mga militanteng Lamanita, na nagapi nila at hinimok na umayon sa kapayapaan, at umanib sa mga Ammonita.
- Alma 62:18–19
- Si Moroni at mga tauhan ni Pahoran ay nagtungo sa Nefihas at nagkuta sa mga kapatagan ng Nefihas; ang mga Lamanita, nakikita ang malaking bilang ng mga Nephitang sundalo, ay hindi nakipaglaban.
- Alma 62:20–21
- Nang gabing iyon, si Moroni ay umakyat sa pader ng lunsod at nalaman na ang mga hukbo ng mga Lamanita ay nagtipon sa silangang bahagi ng lunsod, malapit sa pasukan; siya ay bumalik sa kanyang kuta at pinapangyaring ang kanyang mga tauhan ay maghanda ng mga lubid at hagdan upang pasukin ang lunsod.
- Alma 62:22–23
- Ang mga tauhan ni Moroni ay umakyat sa pader ng lunsod kung saan walang mga Lamanita; sa kinaumagahan, ang buong hukbo ay nasa loob ng lunsod.
- Alma 62:24–25
- Ang mga Lamanita ay nagising, at natatakot para sa kanilang buhay, ay kanilang nilisan ang lunsod at tumakas patungong dalampasigan, subalit ang mga Nephita ay tinugis sila, at pinatay ang marami.
- Alma 62:26–29
- Wala ni isa sa mga Nephita ang namatay sa pagbawi ng lunsod; ang mga Lamanita na dinalang bihag ay naghayag ng kanilang pagnanais na mapabilang sa mga Ammonita, at pinagkalooban sila ng kanilang kahilingan.
- Alma 62:30–31
- Si Moroni ay nagtungo mula Nefihas papuntang Lehi; ang mga Lamanita na namamalagi sa Lehi ay takot na nilisan ang lunsod.
- Alma 62:32–33
- Ang mga Lamanita ay tinugis ni Moroni lunsod sa lunsod hanggang sa marating nila ang baybaying lupain ng Moroni; lahat ng mga nakaligtas na mga Lamanita ay nagtipon roon, kasama si Amoron.
- Alma 62:34–35
- Ang mga Nephita ay pinapangyaring palibutan ang mga Lamanita; ang parehong hukbo ay nagpahinga sa gabi, na lubhang pagod—maliban kay Tiancum, na siyang lubos na napopoot kay Amaron at Amalikeo sa pagiging dahilan ng kakila-kilabot na digmaan.
- Alma 62:36
- Nilisan ni Tiancum ang kuta, at inakyat niya ang mga pader ng lunsod kung saan natutulog ang mga Lamanita.
- Alma 62:36
- Si Tiancum ay patagong umusad mula sa isang lugar patungo sa isang lugar hanggang sa matagpuan niya kung saan natutulog si Amoron.
- Alma 62:36
- Pinukol ni Tiankum si Amoron ng sibat sa dibdib.
- Alma 62:36
- Si Amoron ay nakagawa ng huling tunog bago siya namatay—ang kanyang mga tagapagsilbi ay nagising, hinuli si Tiancum, at pinatay siya.
- Alma 62:37
- Nang malaman ni Moroni ang pagkamatay ni Tiankum, siya ay lubhang nalungkot.
- Alma 62:38
- Ang hukbo ni Moroni ay lumusob sa mga Lamanita, walang awang pinagpapatay sila; ang mga nakaligtas na mga Lamanita ay permanenteng tumakas mula sa lupain ng Zarahemla.
- Alma 62:39–41
- Ang malaking digmaan sa pagitan ng mga Nephita at mga Lamanita sa wakas ay tila natatapos na.