Subalit masdan, ito ay nangyari na, na sa ikadalawampu at pitong taon ng panunungkulan ng mga hukom, na si Tiankum, sa pag-uutos ni Moroni—na nagtalaga ng mga hukbo upang ipagtanggol ang katimugan at ang kanlurang hangganan ng lupain, [i]3252[/i] at sinimulan ang kanyang paghayo patungo sa lupaing Masagana, upang matulungan niya si Tiankum kasama ang kanyang mga tauhan sa pagbawi ng mga lunsod na nawala sa kanila— At ito ay nangyari na, na si Tiankum ay nakatanggap ng mga utos na gumawa ng pagsalakay sa lunsod ng Mulek, at bawiin ito kung maaari.