Ngayon ito ay nangyari na, na sa ikatatlumpung taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi, matapos na matanggap ni Moroni at mabasa ang liham ni Helaman, [i]1727[/i] siya ay labis na nagsaya dahil sa kagalingan, oo, sa malaking tagumpay ni Helaman, sa pagkuha ng mga lupaing yaon na nawala. Oo, at ipinaalam niya ito sa lahat ng kanyang mga tao, sa lahat ng lupain sa paligid sa bahaging yaon na kinaroroonan niya, upang sila ay magsaya rin.