Alma 55:22–23

Ngayon masdan ito ay ginawa sa gabi, kung kaya’t nang magising ang mga Lamanita kinaumagahan ay namasdan nilang napaliligiran sila ng mga Nephita sa labas, at na ang kanilang mga bihag ay nasasandatahan sa loob. At sa gayon nakita nila na ang mga Nephita ay may kapangyarihan sa kanila; [i]3263[/i] at sa katayuang ito’y nalaman nila na hindi kapaki-pakinabang na sila ay makipaglaban sa mga Nephita; anupa’t hiningi ng kanilang mga punong kapitan ang kanilang mga sandata ng digmaan, at dinala nila ang mga ito at inihagis sa paanan ng mga Nephita, nang nagmamakaawa.

From section: Pagsagip sa Mga Bilanggong Nephita

From page: Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan

Commentary