Alma 55:18–21

Subalit kung nagising nila ang mga Lamanita, masdan, sila ay mga lango at mapapatay lamang sila ng mga Nephita. Subalit masdan, hindi ito ang hangarin ni Moroni; hindi siya nagagalak sa pagpaslang at pagpapadanak ng dugo, kundi siya ay nagagalak sa pagliligtas ng kanyang mga tao mula sa pagkalipol; at sa dahilang ito siya ay hindi makagagawa ng labag sa katarungan, hindi niya sasalakayin ang mga Lamanita at lipulin sila sa kanilang kalanguan.

Subalit natamo niya ang kanyang mga hangarin; sapagkat nasandatahan niya yaong mga bihag na mga Nephita na nasa loob ng mga muog ng lunsod, at nakapagbigay sa kanila ng kapangyarihan na maangkin ang mga yaong bahaging nasa loob ng muog. At pagkatapos kanyang iniutos sa mga tauhang kasama niya na umurong nang kaunti mula sa kanila, at paligiran ang mga hukbo ng mga Lamanita.

From section: Pagsagip sa Mga Bilanggong Nephita

From page: Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan

Commentary