At ngayon, ito ay alinsunod sa balak ni Moroni. At sinandatahan ni Moroni ang kanyang mga tauhan ng mga sandata ng digmaan; at siya ay nagtungo sa lunsod ng Gid, habang nahihimbing ang mga Lamanita at mga lango, at naghagis ng mga sandata ng digmaan sa mga bihag, [i]3262[/i] hanggang sa silang lahat ay nasandatahan; Oo, maging ang kanilang kababaihan, at lahat ng yaong kanilang mga anak, kasindami ng may kakayahang gumamit ng sandata ng digmaan, nang masandatahan ni Moroni ang lahat ng bihag na yaon; at ang lahat ng bagay na yaon ay naisagawa sa napakalalim na katahimikan.