Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan

Pagsagip sa Mga Bilanggong Nephita

Alma 55:1–3

Galit sa tugon at pag-uugali ni Amoron, si Moroni ay tumanggi na magpatuloy sa pakikipagpalitan, sa kabila ng pagsang-ayon ni Amoron, at bumalik sa isang hindi inaasahang plano: ang kunin ang mga bihag pabalik sa pamamagitan ng puwersa.

Ngayon ito ay nangyari na, nang matanggap ni Moroni ang liham na ito ay lalo siyang nagalit, dahil sa nalalaman niyang si Amoron ay may ganap na kaalaman hinggil sa kanyang panlilinlang; oo, nalalaman niyang alam ni Amoron na isang hindi makatwirang layunin ang nag-udyok sa kanya na ipagpatuloy ang pakikidigma laban sa mga tao ni Nephi. At sinabi niya:

Masdan, hindi ako makikipagpalitan ng mga bihag kay Amoron maliban kung iuurong niya ang kanyang layunin, tulad ng aking ipinahayag sa aking liham; sapagkat hindi ko ipagkakaloob sa kanya na magkaroon pa siya ng karagdagang lakas nang higit sa kanyang tinataglay. Masdan, nalalaman ko ang lugar kung saan binabantayan ng mga Lamanita ang aking mga tao na kanilang mga dinalang bihag; at dahil sa tumangging ipagkaloob sa akin ni Amoron ang aking liham, masdan, ipagkakaloob ko sa kanya ang naaayon sa aking mga salita; oo, maghahangad ako ng kamatayan sa kanila hanggang sa sila ang humiling ng kapayapaan.

Alma 55:4–7

Natagpuan ni Moroni ang isang lalaki na nagngangalang Laman, (isang Nephita na may dugong Lamanita), at ipinadala siya sa lunsod ng Gid (kung saan ang mga bilanggong Nephita ay nakakulong) kasama ang maliit na pangkat ng mga tao.

At ngayon ito ay nangyari na, nang sabihin ni Moroni ang mga salitang ito, iniutos niya na magkaroon ng paghahanap sa kanyang mga mga tauhan, na baka siya ay makakita ng isang lalaking inapo ni Laman sa kanila. At ito ay nangyari na, na sila ay nakatagpo ng isa, na nagngangalang Laman; at siya ay isa sa mga tagapagsilbi ng hari na pinaslang ni Amalikeo.

Ngayon iniutos ni Moroni na si Laman at maliit na bilang ng kanyang mga tauhan ay magtungo sa mga bantay ng mga Nephita. Ngayon, ang mga Nephita ay nababantayan sa lunsod ng Gid; samakatwid hinirang ni Moroni si Laman at iniutos na siya ay samahan ng ilan sa kanyang mga tauhan.

Alma 55:8

Si Laman ay lumapit sa sundalong nagbabantay sa Gid, at ipinakilala ang kanyang sarili bilang isang Lamanitang bihag na kakatakas lang mula sa mga Nephita; inihayag din niya na nagdala siya ng alak ng mga Nephita.

At nang gumabi, si Laman ay nagtungo sa mga bantay ng mga Nephita, at masdan, kanilang nakita siya na dumarating at kanilang tinawag siya; subalit sinabi niya sa kanila:

Huwag kayong matakot; masdan, ako’y isang Lamanita.

Masdan, nakatakas kami mula sa mga Nephita, at sila ay natutulog; at masdan, kami ay kumuha ng mga alak nila at dinala namin.

Alma 55:9

Nang makita ang mga alak, ang mga bantay na Lamanita ay sabik na humingi ng maiinom.

Ngayon, nang marinig ng mga Lamanita ang mga salitang ito ay kanilang tinanggap siya nang may kagalakan; at sinabi nila sa kanya:

Bigyan mo kami ng iyong alak, upang kami ay makainom;
nagagalak kaming nakapagdala ka ng alak
sapagkat kami’y napapagod.

Alma 55:10

Iminungkahi ni Laman na huwag silang uminom ng alak hanggang sa matapos silang makipaglaban sa mga Nephita.

Subalit sinabi ni Laman sa kanila:

Itabi natin ang ating alak hanggang sa tayo ay sumalakay laban sa mga Nephita upang makidigma.

Alma 55:10

Nang marinig ito ay lalo lamang naghangad ang mga bantay na uminom.

Subalit sa sinabi niyang ito ay lalo lamang silang naghangad na uminom ng alak;

Alma 55:11

Ang mga bantay ay ikinatwiran ang pangangailangan ng alak sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na lalo silang palalakasin ng mga ito.

Sapagkat, sinabi nila:

Kami ay napapagod, kaya nga, tayo ay uminom ng alak, at maya-maya’y makatatanggap tayo ng alak para sa ating panustos, na magpapalakas sa atin upang makipaglaban sa mga Nephita.

Alma 55:12

Si Laman ay umayon.

At sinabi ni Laman sa kanila:

Maaari ninyong gawin ang naaayon sa inyong mga naisin.

Alma 55:13–15

Ang mga bantay na Lamanita ay uminom ng ilang alak, pagkatapos ay uminom pa ng marami; kalaunan, lahat ng mga bantay ay nalango at nangahimbing, na kung saan si Laman at ang kanyang mga tauhan ay bumalik kay Moroni upang mag-ulat.

At ito ay nangyari na, na malaya silang nagsiinom ng alak; at masarap ito sa kanilang panlasa, kaya nga, sila ay lalong naging malaya sa pag-inom nito; at ito ay matapang; dahil sa inihanda itong matapang. At ito ay nangyari na, na sila ay uminom at nagsaya, at maya-maya silang lahat ay nalango. At ngayon, nang makita ni Laman at ng kanyang mga tauhan na nalango na silang lahat, at nangahihimbing, nagsibalik sila kay Moroni at sinabi sa kanya ang lahat ng naganap.

Alma 55:16–17

Si Moroni at ang kanyang mga tauhan ay nagtungo sa Gid na may dalang maraming mga sandata; nang sila ay makarating, inihagis nila ang mga sandata sa lunsod para sa mga bilanggong Nephita upang gamitin.

At ngayon, ito ay alinsunod sa balak ni Moroni. At sinandatahan ni Moroni ang kanyang mga tauhan ng mga sandata ng digmaan; at siya ay nagtungo sa lunsod ng Gid, habang nahihimbing ang mga Lamanita at mga lango, at naghagis ng mga sandata ng digmaan sa mga bihag, hanggang sa silang lahat ay nasandatahan; Oo, maging ang kanilang kababaihan, at lahat ng yaong kanilang mga anak, kasindami ng may kakayahang gumamit ng sandata ng digmaan, nang masandatahan ni Moroni ang lahat ng bihag na yaon; at ang lahat ng bagay na yaon ay naisagawa sa napakalalim na katahimikan.

Alma 55:18–21

Si Moroni ay walang hangaring patayin ang mga langong sundalo; siya at ang kanyang mga tauhan ay lumisan mula sa lunsod, at pinalibutan ang mga bantay na Lamanita.

Subalit kung nagising nila ang mga Lamanita, masdan, sila ay mga lango at mapapatay lamang sila ng mga Nephita. Subalit masdan, hindi ito ang hangarin ni Moroni; hindi siya nagagalak sa pagpaslang at pagpapadanak ng dugo, kundi siya ay nagagalak sa pagliligtas ng kanyang mga tao mula sa pagkalipol; at sa dahilang ito siya ay hindi makagagawa ng labag sa katarungan, hindi niya sasalakayin ang mga Lamanita at lipulin sila sa kanilang kalanguan.

Subalit natamo niya ang kanyang mga hangarin; sapagkat nasandatahan niya yaong mga bihag na mga Nephita na nasa loob ng mga muog ng lunsod, at nakapagbigay sa kanila ng kapangyarihan na maangkin ang mga yaong bahaging nasa loob ng muog. At pagkatapos kanyang iniutos sa mga tauhang kasama niya na umurong nang kaunti mula sa kanila, at paligiran ang mga hukbo ng mga Lamanita.

Alma 55:22–23

Kinaumagahan, ang mga bantay ay nagising at nakita na ang hukbo ni Moroni ay nakapalibot sa lunsod, at sinandatahan ang mga bilanggo sa loob ng lunsod; sila ay sumuko na walang pagpupumiglas.

Ngayon masdan ito ay ginawa sa gabi, kung kaya’t nang magising ang mga Lamanita kinaumagahan ay namasdan nilang napaliligiran sila ng mga Nephita sa labas, at na ang kanilang mga bihag ay nasasandatahan sa loob. At sa gayon nakita nila na ang mga Nephita ay may kapangyarihan sa kanila; at sa katayuang ito’y nalaman nila na hindi kapaki-pakinabang na sila ay makipaglaban sa mga Nephita; anupa’t hiningi ng kanilang mga punong kapitan ang kanilang mga sandata ng digmaan, at dinala nila ang mga ito at inihagis sa paanan ng mga Nephita, nang nagmamakaawa.

Alma 55:24–25

Ang mga bilanggong Nephita ay pinalaya, at ang mga Lamanita ay dinala bilang mga bilanggo at pinagawa ng mga muog sa lunsod ng Gid.

Ngayon masdan, ito ang nais ni Moroni. Dinakip niya sila bilang mga bihag ng digmaan, at inangkin ang lunsod, at nag-utos na ang lahat ng bihag na mga Nephita, ay palayain; at sila ay umanib sa hukbo ni Moroni, at naging malaking lakas sa kanyang hukbo. At ito ay nangyari na, na iniutos niya sa mga Lamanita, na kanyang mga nadakip na bihag, na sila ay magsimula sa paggawa ng pagpapatibay ng mga muog sa paligid ng lunsod ng Gid.

Alma 55:26–27

Nang matapos ng mga bilanggo ang pagpapatibay sa Gid, sila ay dinala sa Masagana kasama ang mga nalalabi sa mga bilanggo.

At ito ay nangyari na, nang mapatibay niya ang lunsod ng Gid, alinsunod sa kanyang mga naisin, iniutos niyang dalhin ang kanyang mga bihag sa lunsod ng Masagana; at pinabantayan din niya ang lunsod na yaon sa napakalakas na hukbo. At ito ay nangyari na, na ginawa nila, sa kabila ng lahat ng sapakatan ng mga Lamanita, na bantayan at tanuran ang lahat ng bihag na kanilang nadakip, at panatilihin din ang lahat ng kanilang nasasakupang lupain at ang kalamangang nabawi nila.