Ngayon ito ay nangyari na, nang matanggap ni Moroni ang liham na ito ay lalo siyang nagalit, dahil sa nalalaman niyang si Amoron ay may ganap na kaalaman hinggil sa kanyang panlilinlang; [i]3260[/i] oo, nalalaman niyang alam ni Amoron na isang hindi makatwirang layunin ang nag-udyok sa kanya na ipagpatuloy ang pakikidigma laban sa mga tao ni Nephi. At sinabi niya:
Masdan, hindi ako makikipagpalitan ng mga bihag kay Amoron maliban kung iuurong niya ang kanyang layunin, tulad ng aking ipinahayag sa aking liham; sapagkat hindi ko ipagkakaloob sa kanya na magkaroon pa siya ng karagdagang lakas nang higit sa kanyang tinataglay. Masdan, nalalaman ko ang lugar kung saan binabantayan ng mga Lamanita ang aking mga tao na kanilang mga dinalang bihag; at dahil sa tumangging ipagkaloob sa akin ni Amoron ang aking liham, masdan, ipagkakaloob ko sa kanya ang naaayon sa aking mga salita; oo, maghahangad ako ng kamatayan sa kanila hanggang sa sila ang humiling ng kapayapaan.