At ito ay nangyari na, na tinugis sila ni Moroni at ng kanyang hukbo sa bawat lunsod, hanggang sa makaharap nila sina Lehi at Tiankum; at ang mga Lamanita ay nagsitakas mula kina Lehi at Tiankum, maging hanggang sa mga hangganan sa may dalampasigan, [i]3286[/i] hanggang sa sila ay makarating sa lupain ng Moroni. At ang lahat ng hukbo ng mga Lamanita ay sama-samang nagtipon hanggang sa silang lahat ay naging iisang hukbo sa lupain ng Moroni. Ngayon si Amoron, ang hari ng mga Lamanita, ay kasama rin nila.