At ito ay nangyari na, na si Moroni, na nawalan ng pag-asang makaharap sila sa isang patas na labanan, kaya nga, siya ay bumuo ng isang plano upang malinlang niyang lumabas ang mga Lamanita mula sa kanilang mga muog. [i]3253[/i] Anupa’t inutusan niya si Tiankum na magsama ng maliit na bilang ng mga tauhan at humayo sa malapit sa dalampasigan; at si Moroni at ang kanyang hukbo, sa gabi, ay humayo sa ilang, sa kanluran ng lunsod ng Mulek; at sa gayon, sa kinabukasan, nang matuklasan ng mga bantay ng mga Lamanita sina Tiankum, sila ay nagsitakbo at sinabi ito kay Jacob, na kanilang pinuno.