Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan

Mga Negosasyon sa Pagpapalitan ng Bilanggo

Alma 54:1–2

Sa sumunod na taon, si Amoron ay nagpasabi kay Moroni hinihiling na makipagpalitan ng mga bihag; si Moroni ay natuwang marinig ito, yamang naghahangad siya na tumigil sa paglalaan ng mga panustos sa mga bihag na Lamanita.

At ngayon ito ay nangyari na, na sa pagsisimula ng ikadalawampu at siyam na taon ng mga hukom, na si Amoron ay nagpasabi kay Moroni hinihiling sa kanya na makipagpalitan ng mga bihag.

At ito ay nangyari na, na si Moroni ay nakaramdam ng labis na kasiyahan sa kahilingang ito, sapagkat kanyang kailangan ang mga pagkaing ibinibigay para sa mga bihag na mga Lamanita para sa kanyang sariling mga tao; at kailangan din niya ang kanyang sariling mga tao para sa pagpapalakas ng kanyang hukbo.

Alma 54:3–4

Ang mga Lamanita ay nakabihag ng mga kababaihan at mga maliliit na bata, samantalang ang mga Nephita ay nakapagbihag lamang ng mga sundalo; dahil dito si Moroni ay nagsagawa ng isang plano na mapadami ang bilang ng mga pinalayang Nephita.

Ngayon, ang mga Lamanita ay nakadakip ng maraming babae at bata, at wala ni isang babae ni bata sa lahat ng bihag ni Moroni, o sa mga bihag na nadakip ni Moroni; kaya nga, si Moroni ay bumuo ng isang pakana upang makakuha ng higit na maraming bihag na mga Nephita mula sa mga Lamanita hangga’t maaari.

Anupa’t siya ay sumulat ng isang liham, at ipinadala ito sa tagapagsilbi ni Amoron, na siya ring nagbigay ng liham kay Moroni.

Alma 54:4–14

Si Moroni ay sumulat ng isang liham kay Amoron na nagsasabi na ang mga Nephita ay aayon lamang sa isang palitan ng mga bihag kung ang isang Nephitang lalaki, isng Nephitang babae, at isang Nephitang bata ay ipagpapalit sa isang sundalong Lamanita.

Ngayon, ito ang mga salitang isinulat niya kay Amoron, sinasabing:

Alma 54:15–24

Si Amoron ay tumugon kay Moroni, at sumang-ayon sa iminungkahing 3-sa-1 na palitan, subalit binalaan si Moroni sa paraang may panunuya na ihanda niya ang kanyang sarili sa isang walang hanggang labanan.

Ngayon ito ay nangyari na, na si Amoron, nang matanggap niya ang liham na ito, ay nagalit; at siya ay sumulat ng isa pang liham kay Moroni, at ito ang mga salitang isinulat niya, sinasabing: