At masdan, kung hindi ninyo gagawin ito, sasalakayin ko kayo na kasama ang aking mga hukbo; oo, maging sasandatahan ko ang aking kababaihan at aking mga anak, at sasalakayin ko kayo, at susundan ko kayo maging sa inyong sariling lupain, na lupain ng ating unang mana; oo, at ito ay magiging dugo sa dugo, oo, buhay sa buhay; at ako ay makikidigma sa inyo maging hanggang sa kayo’y malipol sa balat ng lupa.