Subalit masdan, inaakala kong kinakausap kita hinggil sa mga bagay na ito nang walang saysay; o inaakala ko na ikaw ay anak ng impiyerno; anupa’t isasara ko ang aking liham sa pamamagitan ng pagsasabi sa iyo na hindi ako makikipagpalitan ng bihag, maliban kung magpapalaya kayo ng isang lalaki at kanyang asawa at kanyang anak, para sa isang bihag; kung ganito ang iyong gagawin, ako ay makikipagpalitan.