Alma 62:39–41

At sa gayon nagtapos ang ikatatlumpu at isang taon ng panunungkulan ng mga hukom sa mga tao ni Nephi; at sa gayon sila nagkaroon ng mga digmaan, at pagdadanak ng dugo, at taggutom, at paghihirap, sa loob ng maraming taon. At nagkaroon ng mga pagpaslang, at alitan, at pagtiwalag, at lahat ng uri ng kasamaan sa mga tao ni Nephi; gayon pa man alang-alang sa mabubuti, oo, dahil sa mga panalangin ng mabubuti, sila ay naligtas.

Subalit masdan, dahil sa labis na katagalan ng digmaan na namagitan sa mga Nephita at sa mga Lamanita ay marami ang naging matitigas, dahil sa labis na katagalan ng digmaan; at marami ang napalambot dahil sa kanilang paghihirap, kung kaya nga’t sila ay nagpakumbaba sa harapan ng Diyos, maging sa kailaliman ng pagpapakumbaba.

From section: Ang Huling Sakripisyo ni Teancum

From page: Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan

Commentary