At ito ay nangyari na, na si Moroni ay nagalit sa pamahalaan, dahil sa kanilang kawalang-pagpapahalaga hinggil sa kalayaan ng kanilang bayan. At ito ay nangyari na, na siya ay muling sumulat sa gobernador ng lupain, na si Pahoran, at ito ang mga salitang isinulat niya, sinasabing:
Masdan, ngayon ito ay nangyari na, na kaagad pagkatapos na maipadala ni Moroni ang kanyang liham sa punong gobernador, siya ay nakatanggap ng liham mula kay Pahoran, ang punong gobernador. At ito ang mga salitang natanggap niya:
At ngayon ito ay nangyari na, nang matanggap ni Moroni ang liham, na ito ay nagpalakas ng kanyang loob, at napuspos ng labis na kagalakan dahil sa katapatan ni Pahoran, na hindi rin siya nagtaksil sa kalayaan at layunin ng kanyang bayan. Subalit labis din siyang nagdalamhati dahil sa kasamaan ng mga yaong nagtaboy kay Pahoran mula sa hukumang-luklukan, oo, sa madaling salita, dahil sa mga yaong naghimagsik laban sa kanilang bayan at gayon din sa kanilang Diyos.
At ito ay nangyari na, na si Moroni ay nagsama ng maliit na bilang ng mga tauhan, alinsunod sa kahilingan ni Pahoran, at ibinigay kina Lehi at Tiankum ang kapangyarihan sa nalalabi sa kanyang hukbo, at siya ay humayo patungo sa lupain ng Gedeon. At itinaas niya ang bandila ng kalayaan sa bawat lugar na kanyang pinasok, at nangalap ng ilan mang hukbo na makakaya niya sa lahat ng nilakbayan niya patungo sa lupain ng Gedeon.
At ito ay nangyari na, na libu-libo ang nagtipon sa kanyang bandila, at humawak ng kanilang espada sa pagtatanggol ng kanilang kalayaan, upang hindi sila madala sa pagkaalipin. At sa gayon, nang makapangalap si Moroni ng ilan mang tauhan na nakaya niya sa kanyang buong paglalakbay, siya ay nagtungo sa lupain ng Gedeon; at sa pagsanib ng kanyang mga hukbo sa mga yaong kay Pahoran sila ay naging napakalakas, maging sa mas malakas pa sila sa mga tauhan ni Pacos, na siyang hari ng mga yaong tumiwalag na nagtaboy sa mga freemen palabas ng lupain ng Zarahemla at sumakop sa lupain.
At ito ay nangyari na, na sina Moroni at Pahoran, matapos mag-iwan ng malaking pangkat ng mga tauhan sa lupain ng Zarahemla, ay naglakbay kasama ang malaking pangkat ng mga tauhan patungo sa lupain ng Nefihas, na nagtikang paaalisin ang mga Lamanita sa lunsod na yaon. At ito ay nangyari na, na habang sila ay naglalakbay patungo sa lupain, sila ay nakadakip ng malaking pangkat ng mga tauhan ng mga Lamanita, at pinatay ang marami sa kanila, at kinuha ang kanilang mga pagkain at kanilang mga sandata ng digmaan.
At ito ay nangyari na, matapos nilang dakpin sila, kanilang pinapasok sila sa isang tipan na hindi na muli silang hahawak pa ng kanilang mga sandata ng digmaan laban sa mga Nephita. At nang sila ay makipagtipan ay kanilang ipinadala sila na manirahang kasama ang mga tao ni Ammon, at sila’y may bilang na mga apat na libo na mga hindi napatay.