[Alma 59:13, 60:1–36] Laban para sa kalayaan

At ngayon, mga minamahal kong kapatid—sapagkat nararapat kayong mga minamahal; oo, at nararapat sana ninyong pukawin ang inyong sarili nang higit na masigasig para sa kapakanan at sa kalayaan ng mga taong ito; subalit masdan, pinabayaan ninyo sila hanggang sa ang dugo ng libu-libo ay mapapataw sa inyong mga ulo sa paghihiganti; oo, sapagkat nalalaman ng Diyos ang lahat ng kanilang mga pagsusumamo, at lahat ng kanilang pagdurusa— Masdan, sa akala ba ninyo’y maaari kayong umupo sa inyong mga luklukan, at dahil sa labis na kabutihan ng Diyos ay wala na kayong gagawin pa at ililigtas niya kayo? Masdan, kung ito ang inaakala ninyo’y nag-aakala kayo nang walang saysay.

Sa akala ba ninyo, dahil sa napakarami sa inyong mga kapatid ang napatay ay dahil ito sa kanilang kasamaan? Sinasabi ko sa inyo, kung ito ang inaakala ninyo’y nag-aakala kayo nang walang saysay; sapagkat sinasabi ko sa inyo, marami ang bumagsak sa pamamagitan ng espada; at masdan ito ay tungo sa inyong pagkasumpa. Sapagkat pinahihintulutan ng Panginoon na mapatay ang mabubuti upang ang kanyang katarungan at kahatulan ay sumapit sa masasama; kaya nga hindi ninyo dapat na akalain na ang mabubuti ay itinakwil dahil sa napatay sila; subalit masdan, papasok sila sa kapahingahan ng Panginoon nilang Diyos.

From section: Si Pahoran at Moroni

From page: Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan

Commentary