Ngayon nais kong tandaan ninyo na sinabi ng Diyos na linisin muna ang panloob na sisidlan, at sa gayon ay malilinis din ang panlabas na sisidlan. At ngayon, maliban kung kayo ay magsisisi sa yaong inyong ginawa, at magsimulang bumangon at magsikilos, at magpadala ng pagkain at mga tauhan sa amin, at gayon din kay Helaman, upang maitaguyod niya ang mga bahaging yaon ng ating bayan na nabawi niya, at nang mabawi rin ninyo ang nalalabi sa ating mga pag-aari sa mga bahaging ito, masdan, kapaki-pakinabang na hindi tayo makipaglaban pa sa mga Lamanita hanggang sa malinis muna natin ang ating panloob na sisidlan, oo, maging ang pinakamataas na pinuno ng ating pamahalaan.