At maliban kung tanggapin ninyo ang aking liham, at lumabas at ipakita sa akin ang tunay na diwa ng kalayaan, at magsikap na palakasin at patibayin ang aming mga hukbo, at magkaloob sa kanila ng pagkain para sa panustos nila, masdan mag-iiwan ako ng bahagi ng aking freemen upang pangalagaan ang bahaging ito ng ating lupain, at iiwanan ko ang lakas at mga pagbabasbas ng Diyos sa kanila, upang wala nang ibang kapangyarihan pa ang lumaganap laban sa kanila— At ito ay dahil sa kanilang labis na pananampalataya, at ng kanilang pagtitiis sa kanilang mga pagdurusa— At ako ay magtutungo sa inyo, at kung mayroon man sa inyo na naghahangad sa kalayaan, oo, kung mayroong kahit kislap ng kalayaang natitira, masdan, ako ay magpupukaw ng mga pag-aaklas sa inyo, maging hanggang sa ang mga yaong naghahangad na magnakaw ng kapangyarihan at karapatan ay malipol na.