[Alma 59:13, 60:1–36] Takot sa Diyos

Oo, masdan, hindi ako natatakot sa kapangyarihan ni karapatan ninyo, kundi sa aking Diyos ako natatakot; at ito ay alinsunod sa kanyang mga kautusan na gagamitin ko ang aking espada upang ipagtanggol ang layunin ng aking bayan, at ito ay dahil sa inyong kasamaan kung kaya’t kami ay nagdanas ng labis na kawalan. Masdan panahon na, oo, dumating na ang panahon, na maliban kung imumulat ninyo ang inyong sarili sa pagtatanggol sa inyong bayan at sa inyong mga musmos, ang espada ng katarungan ay nakaumang sa ulunan ninyo; oo, at babagsak ito sa inyo at parurusahan kayo maging hanggang sa inyong ganap na pagkalipol.

From section: Si Pahoran at Moroni

From page: Si Moroni at Teancum sa Dayag Silangan

Commentary